Sunday, September 28, 2008

Masaya mag blog!

Maski na walang kwenta yung mga pinopost ko wala lang. Parang feeling ko lang na nakakatuwa minsan na may gawin na kakaiba.

Saturday, September 27, 2008

Lahat ng bagay may rason?

Minsan sa buhay natin may mga pangyayaring talagang hindi natin matanggap. Hindi ko parin lubusang maisip kung bakit maski alam ko na ang rason kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa paligid ko ay minsan may hindi parin ako matanggap na mga pangyayari sa aking buhay. Parang isang "Scar" na hindi kaagad matanggal. Siguro ay ganyan lang talaga siguro ang buhay.

Thursday, September 25, 2008

Malungkot

Ngayong araw nanood ako ng laban ng lasalle at ateneo. Talo lasalle. Pero hindi naman yun yung nakakalungkot eh. Yung nakakalungkot yung pinaalis si Paul Rico Maeirhofer sa laro gusto ko pa naman mapanood yung last game niya sa UAAP. 4th quarter nalang kasi yung napanood ko eh.

Thursday, September 18, 2008

Tuesday, September 16, 2008

AnG SaYa Ng BuHay!

Kahapon lang ay parang sobrang nalungkot ako. Pero ngayon ay sobrang saya ko! Sorry kayo hindi kayo ako kaya hindi nyo naranasan yung naranasan ko. Basta! Sobrang saya! Kaunting tao lang ang nakakaalam kung anong nangyari saakin nitong araw na ito. Basta masaya.

Monday, September 15, 2008

Sobrang Malas na araw!

Ngayong araw ay akala ko ay magiging sobrang saya ng araw ko kasi simula ng linggo. Pero ang nangyari ay sobrang sabog ng araw ko. Walang nangyaring maganda ngayong araw at wala naman masyadong nangyaring maganda. Naglongtest kami ngayon sa math at sa physics. Sobrang sabog ng araw ko kasi sobrang hihirap ng mga tests maski na nakinig naman ako sa klase. Hay..... Minsan nga naiisip ko nalang na nakakasawa na ang buhay parang paulit ulit na kahirapan lang ang makikita mo araw-araw. At pagkatops ng mga pahirap ay wala naman kaligayahan na katumbas ng kalungkutan na nadarama ng mga tao. Kaya maraming sumusuko sa buhay eh, kasi hindi natutumbasan ng kaligayahan na nadarama mo sa araw-araw ang kalungkutan at pagkabigo na nararamdaman mo sa mga araw na lumilipas......

Wednesday, September 10, 2008

CHEMISTRY

May chem longtest bukas. pipilitin ko nalang pumasok para makatest ako. Ayaw ko kasi magpost qtr eh.

MALAS

HINDI AKO NAKAPASOK DAHIL MAY SAKIT AKO!

Tuesday, September 9, 2008

MASAYANG ARAW

Sobrang saya ko ngayon dahil nag basketball ako ng sobrang tagal. Sobrang lakas kasi ng mga kasama ko kaya walang nakatalo saamin ng apat na magkakasunod na whole court. Pero pagkatapos naman ng laro namin ay sobrang lakas ng ulan. Paguwi ko sinundo ako ng daddy ko sa 7-11 kasi alam niya na magtatagalan ako dahil sobrang trapik. Sa sobrang trapik ay parang naging adventure narin ito para saakin. Ang saya ko sobra. Pero pagkatapos ng mahabang adventure ay sobrang pagod din ako.

Monday, September 8, 2008

Masakit madukutan

Ngayon ay sobrang lakas ng ulan. Medyo late nakami nakaalis sa skul kasi maraming hinantay. Hindi ko malilimutan ang araw na ito kasi ang lakas ng ulan tapos ang hirap mag-abang ng jeep. Palakas ng palakas yung ulan pero wala akong magawa kasi wala akong cellphone. Nadukutan kasi ako bago mag humanities week. Satotoo lang ay nakita ko pa yung mandurukot sa harap ko pero nung naisip ko na suntukin siya naisip ko rin na baka may armas siya kaya tumakbo nalang ako.

Thursday, September 4, 2008

OSTICOLIOSIS

Oscticoliosis ang naisip kong pangalan saaking blog dahil sa isa kong kaibigan. Nagsimula ang lahat nung maglalaro kami dapat ng Dota. Yung taga batch '08 kasi na kaservis namin ay may naisip na astig na pangalan. Ang pangalan niya ay "Prospero pichay". Dahil dito ay naisipan na namin na magisip ng mga kakaibang pangalan. Yung isa kong kaibigan ay may naisip na magandang pangalan. Naastigan kasi siya kapag nakakarinig siya ng mga sakit lalo na kapag ito ay isang bone-disease. Kaya nung nakaisip siya ng pangalan ay agad naman kaming natuwa sakanyang naisip. Naisip niya na pagsamahin ang dalawang magkaibang klase ng bone-disease. Naisip niya pagsamahin ang osteoporosis+scoliosis at ang gusto niyang itawag dito ay osticoliosis. Kaya naman yun ang naging pangalan ng aking blog.