Tuesday, September 16, 2008
AnG SaYa Ng BuHay!
Kahapon lang ay parang sobrang nalungkot ako. Pero ngayon ay sobrang saya ko! Sorry kayo hindi kayo ako kaya hindi nyo naranasan yung naranasan ko. Basta! Sobrang saya! Kaunting tao lang ang nakakaalam kung anong nangyari saakin nitong araw na ito. Basta masaya.
Monday, September 15, 2008
Sobrang Malas na araw!
Ngayong araw ay akala ko ay magiging sobrang saya ng araw ko kasi simula ng linggo. Pero ang nangyari ay sobrang sabog ng araw ko. Walang nangyaring maganda ngayong araw at wala naman masyadong nangyaring maganda. Naglongtest kami ngayon sa math at sa physics. Sobrang sabog ng araw ko kasi sobrang hihirap ng mga tests maski na nakinig naman ako sa klase. Hay..... Minsan nga naiisip ko nalang na nakakasawa na ang buhay parang paulit ulit na kahirapan lang ang makikita mo araw-araw. At pagkatops ng mga pahirap ay wala naman kaligayahan na katumbas ng kalungkutan na nadarama ng mga tao. Kaya maraming sumusuko sa buhay eh, kasi hindi natutumbasan ng kaligayahan na nadarama mo sa araw-araw ang kalungkutan at pagkabigo na nararamdaman mo sa mga araw na lumilipas......
Wednesday, September 10, 2008
CHEMISTRY
May chem longtest bukas. pipilitin ko nalang pumasok para makatest ako. Ayaw ko kasi magpost qtr eh.
Tuesday, September 9, 2008
MASAYANG ARAW
Sobrang saya ko ngayon dahil nag basketball ako ng sobrang tagal. Sobrang lakas kasi ng mga kasama ko kaya walang nakatalo saamin ng apat na magkakasunod na whole court. Pero pagkatapos naman ng laro namin ay sobrang lakas ng ulan. Paguwi ko sinundo ako ng daddy ko sa 7-11 kasi alam niya na magtatagalan ako dahil sobrang trapik. Sa sobrang trapik ay parang naging adventure narin ito para saakin. Ang saya ko sobra. Pero pagkatapos ng mahabang adventure ay sobrang pagod din ako.
Monday, September 8, 2008
Masakit madukutan
Ngayon ay sobrang lakas ng ulan. Medyo late nakami nakaalis sa skul kasi maraming hinantay. Hindi ko malilimutan ang araw na ito kasi ang lakas ng ulan tapos ang hirap mag-abang ng jeep. Palakas ng palakas yung ulan pero wala akong magawa kasi wala akong cellphone. Nadukutan kasi ako bago mag humanities week. Satotoo lang ay nakita ko pa yung mandurukot sa harap ko pero nung naisip ko na suntukin siya naisip ko rin na baka may armas siya kaya tumakbo nalang ako.
Saturday, September 6, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)
